Noong unang panahon sa malayong kagubatan sa silangan may nakatirang isang magandang nilalang ang kanyang pangalan ay paru-paru.
Buong araw si Paru-paru ay walang ibang ginagawa kundi palipad-lipad sa mga puno, dumapo sa mga bulaklak at pabuka-buka nang kanyang malapad at makulay na pakpak.
Isang araw habang si Paru-paru ay palipad-lipad sa kagubatan tinawag siya ni Langgam. “Halika ditto Paru-paru, Sali ka sa aming paglalaro.” Paanyaya ni Langgam. At pagkarinig ni Paru-paru dumapo siya sa halaman na malapit sa kinaroroonan ni Langgam at ng kaniyang mga kaibigan. “Ayoko nga!” sagot ni Paru-paru. “Oo nga, bakit ayaw mong sumama sa amin Paru-paru?” sabi naman ni Ipis. “Halika Paru-paru, Sali ka sa amin masaya ang paglalaro.” Sabay anyaya nina Tipaklong at Gagamba. “Sabi ng ayoko! Ang kulit niyo talaga!” galit na sagot ni Paru-paru. “Bakit ba ayaw mong sumama sa amin?” tanong ni Langgam. “Kasi baka masira ang aking pinakamaganda at pinakamakulay na pakpak sa balat ng lupa!” pagmamayabang na sabi ni Paru-paru. “Maglalaro lang naman tayo, hindi naman tayo mag-aaway.” Sabi naman ni Tutubi. “Inggit ka lang sa akin Tutubi kasi mas malaki at mas makulay ang aking pakpak kaysa sayo!” galit na sagot ni Paru-paru. “Huwag mo naman akong pagsalitaan at paratangan ng ganyan, hindi naman ako inggit sayo.” Sagot naman ni Tutubi. “Totoo na man talaga, hindi lang ikaw kundi kayong lahat inggit sa akin!” pabintang na sabi ni Paru-paru. “Pasensiya ka na Paru-paru kung naabala ka namin.” Pakumbabang sabi ni Langgam. “Anong pasensiya! Walang pasensiya-pasensiya sa akin! Alam niyo ba kung bakit ayokong sumama sa inyo dahil mga mababang uri kayo na mga insikto!” pagmamayabang na sabi ni Paru-paru.
Narinig ni Diwata ng Kagubatan ang mga sinabi ni Paru-paru kaya nagpasya siyang magpakita sa kanila. “Anong liwanag yan?” gulat na tanong ni Langgam. Pagkatapos lumitaw ang isang puting kalapati “Ako ang Diwata ng Kagubatan, narinig ko lahat ng pinag-usapan niyo at dahil sa iyong kayabangan Paru-paru paparusahan kita, simula ngayon kung ikaw ay mahahawakan ninuman matatanggal ang kulay ng iyong mga pakpak.” Sabi ni Diwata ng Kagubatan. “Huwag po, mahal na diwata ng Kagubatan maawa po kayo sa akin. Hindi nap o ito mauulit.” Nagmamakaawang sabi ni Paru-paru. “Wala ka ng magagawa paru-paru, siguraduhin mo lang na hindi na mauulit ang pangyayaring ito at ipangako mo sa akin ngayon na hindi ka na manglalait sa iba at hindi mo na ipagyayabang ang iyong sarili. Kundi matinding kaparusahan ang iyong matatanggap mula sa akin.” Babalang sabi ni Diwata ng Kagubatan. “Opo mahal na diwata ng kagubatan tatandaan ko lahat ng iyong mga sinabi at isinusumpa ko sa harap ng mga nandito.” Sabi ni Paru-paru.
Mula noon may kunting pagbabago sa ugali ni Paru-paru palagi na siyang sumasama sa mga ibang insekto. Isang araw habang pauwi na si Paru-paru sa kaniyang bahay tinawag siya ni Bulati. “Paru-paru pwede mo ba akong tulungan? Maari mo ba akong ihatid sa aking bahay, diyan lang naman sa kabila, kasi masakit na ang aking tiyan sa kakagapang.” Paki-usap ni Bulati. “Ano ka sinuswerte! Anong palagay mo sa akin tagabuhat ng isang paugod-ugod na bulati!” bulalas ni Paru-paru. “Maawa ka na man sa akin, malapit lang naman dito.” Paawang sabi ni Bulati. “Ayoko! Hindi kita kayang hawakan dahil ang dumi mo! Isa kang nakakadiring nilalang na gumagapang sa lupa!” pasigaw na sabi ni Paru-paru. “Akala ko ba?” sabi ni Bulati na biglang nag-iba ang boses at saka biglang lumiwanag ang buo niyang katawan. Napanga-nga si Paru-paru sa kanyang nakita, hindi siya makapaniwala na ang nagpaka-bulati ay ang Diwata ng Kagubatan. “Akala ko ba Paru-paru nagbago ka na? Binigo mo ako!” sabi ni Diwata ng Kagubatan. “Pasensiya kana mahal na Diwata, hindi na talaga mauulit, pangako.” Pakumbabang sabi ni Paru-paru. “Talagang hindi na mauulit dahil simula ngayon bago mo makamtan ang maganda at ipinagmalaki mong pakpak dadanasin mo muna ang sinasabi mong madumi at isang nakakadiring nilalang na gumagapang sa lupa, dahil sa puntong ito ipapataw ko sa iyo ang isang sumpa nab ago ka magiging isang ganap na paru-paru ay daan ka sa pagiging uod na gumagapang at nakayuko ang ulo sa lupa.” Pasumpang sabi ni Diwata sabay turo ng kanyang baston kay Paru-paru. Sa puntong iyon ay nakaramdam si Paru-paru ng pagbabago sa kaniyang sarili, naramdaman niyang biglang lumiit ang kanyang mga pakpak hanggang sa itoy nawawala. Pagkatapos ng pangyayaring iyon biglang nawala ang diwata at naiwan si Paru-paru na nagging isang uod. Tiningnan niya ang paligid kung may nakakita at nagsimula nang gumapang si Paru-paru na tumutulo ang kanyang mga luha dahil sa lungkot at pagsisi at umakyat siya sa puno ng guyabano at doon nagtatago.
Simula noon palagi nang nagtatago ang uod sa dahon at kalaunan ay nadiskubre niya kung paano gumawa nang pagtatagoan gamit ang kaniyang sariling laway, upang hindi siya makita ng iba sa kanyang sinapit at lalabas lang siya kapag siya ay ganap na isang Paru-paru… WAKAS…
sana magustohan niyo....
ReplyDeleteWe are independent company Offering Loan at a cheapest interest(2%). We guarantee any kind of Loan, Government finance Project and Investor Project. etc If you are interested Kindly get back to me for more information via Email: collinsguzmanfundings@gmail.com
ReplyDelete